Desperado
Wednesday, 18. November 2009 12:48
Napaka-garapal ang nangyari sa Makati noong Biyernes. Marami tuloy ang nagtatanong kung sino ang conductor o nagkukumpas. ,cheap sunglass
Noong Biyernes ng mga 8 ng gabi, dumating si Local Government Secretary Marius Corpuz sa Makati City Hall at nagdeliver ng 90-day suspension order kay Binay. Order daw Ni Ombudsman Merceditas Gutierrez, ang kaklase ni Mike Arroyo.
Ito pa rin ang kaso ng sinasabi nilang ghost employees daw ni Binay. Maala-ala natin na ito ang ginamit nila noong Oktubre para alisin si Binay sa Makati ngunit hindi umubra dahil nag-people power ang mga tao sa Makati. Nang malaman nilang hindi aatras si Binay at mukhang lalaki pa ang rally, umatras sila.
Ngunit mukhang desperado talaga silang makuha ang Makati. Dahil hindi nila makuha sa legal na paraan, brasuhan na lang. Hindi lang pala brasuhan. Bastusan.
Itong si Corpuz ay mahilig sa madilim na operation. Maala-ala natin ganun rin ang ginawa niya nang nilipat niya si Lance Corporal Daniel Smith, ang Amerikanong na-convict ng rape sa Subic. Hatinggabi inalis si Smith at nilipat sa US Embassy.
Alam ng lahat na ang atat na atat talaga matanggal si Binay sa Makati ay ang mag-asawang Arroyo, lalo na si Mike Arroyo. Bakit ba gustong-gusto nila ang Makati?
Unang-una,Replica Gucci, mayaman ang Makati. Bilyon-bilyon ang kinikita ng Makati dahil nandoon ang malalaking negosyo. Financial center ng bansa ang Makati .
Pangalawa, sa Makati lamang malayang maka-pagrally ang mga taong naglalakas loob magpahayag ng sama ng loob sa administrasyon. Kapag sa manila, pinagpu-pukpuk ng batuta at hinu-hose ng tubig mula sa firetruck.
Ang isa sa pinakamalapit na kaibigan ni Mike Arroyo ay si Efraim Genuino. Kaya naman linagay si Genuino bilang chairman ng Pagcor, ang isang gatasan ng administrasyon.
Dalawang anak ni Genuino ang kandidato ngayong eleksyon sa pangalawang distrito ng Makati. Si Erwin ay bilang congressman sa at si Anthony naman ay bilang councilor. Kung kaya lang nila siguro bumangga kay Binay bilang mayor, ginawa nila yun. Kaya lang alam nilang wala silang panalo kay Binay.
Kaya kinuha nila si Lito Lapid na mukhang hindi ginaganahan mangampanya. Ang dalang din ng mga poster. Alam naman ni Lapid matatalo,fashion handbags, bakit naman niya gagastusin ang binigay sa kanya.
Ang tingin ko operasyon ito ni Genuino kasabwat ang iba pang mga desperado na galamay ng mga Arroyo katulad nina DILG secretary Ropnaldo Puno. Walang silang paki-alam sa batas. Ang sa kanila ay maagaw at manatili sa kapangyarihan.
Papapayagan ba sila ng taumbayan?
Other articles:
Thema: Uncategorized | Kommentare (0) | Autor: admin